Si City Mayor Jun Ynares habang inaabot ang Certificate of Recognition sa mga mag-aaral ng Sumilang Elementary School at San Isidro Elementary School sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Setyembre 24, 2018 sa Sumulong Park. Tumanggap din ng may kabuuang P 19,000 cash incentive ang naturang grupo. Binigyang-pugay ang naturang mga mag-aaral matapos silang mag-uwi ng pagkilala sa naganap na National Schools Press Conference 2018 noong Pebrero sa Dumaguete City, Negros Oriental.