Nagpasiklab ng galing sa pagsayaw ang grupong Movers Impact mula sa Barangay San Jose at Inarawan sa Monday Flag Raising Ceremony noong ika-22 ng Oktubre, 2018 na ginanap sa Sumulong Park. Nagbigay ng suporta si Mayor Jun Ynares, kasama ang line-up ng Team Ynares-Gatlabayan, sa mga kabataan na lalahok sa 1st Pacific Street Dance Competition of the United Dance Competition sa Chuchong, China sa darating na Nobyembre 2.