Masayang sinalubong ni City Mayor Jun Ynares sa kaniyang tanggapan ang mga sitio chairman at samahan ng senior citizen mula sa Barangay Sta. Cruz noong Oktubre 23, 2018. Ipinaabot ng punong lungsod ang kaniyang pagbati at suporta sa mga residente ng naturang barangay. Katuwang ang City Social Welfare and Development Office, naging paksa sa courtesy call ang tungkol sa pagpapalakas at pagpapalawig ng mga programang ipinapatupad ng pamahalaang lokal pagdating sa pangangalaga sa kapakanan ng mga lolo’t lola.