Si Antipolo City Mayor Jun Ynares (pangalawa mula kanan) kasama ang mga Kyokushin Kaikan Karate Champion na sina John Carl Mancol at Christian Art Mancol noong Oktubre 22, 2018 sa Antipolo City Hall. Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang naturang mga atleta matapos silang magwagi sa Invitational Friendship Tournament Singapore noong ika-8 ng Setyembre. Sa ngayon ay may alok na libreng lessons sa Judo at Taekwondo ang lokal na pamahalaan. Abangan ang free lessons din ng gymnastics, zumba, basketball, volleyball, table tennis, badminton, arnis, at iba pa sa mga darating na araw.