Kasabay ng isang courtesy call ngayong Oktubre 31, 2018 ng Lower Kilingan Upland Farmers Association ang panunumpa ng mga bagong opisyales sa harap ng Punong Lungsod Jun Ynares. Ang sektor ng pagsasaka ang isa sa mga programang patuloy na binibigyang ayuda ng pamahalaang lungsod dahil sa potensiyal nitong umunlad at maging kabalikat at daan tungo sa mas progresibong pamayanan ng mga magsasaka. #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares