Ipinaabot ni Mayor Jun ang kaniyang suporta at pasasalamat sa mga programa at proyektong pangkabataan na isinasagawa ng mga bumubuo ng College of San Benildo - Rizal High School Parents Council sa naganap na courtesy call sa tanggapan ng punong lungsod ngayong Oktubre 31, 2018. Tinalakay din ang mga napapanahong issues na kinakaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan at kung ano ang mga magagawa ng mga magulang at pamahalaan upang malunasan ito. #TayoNaAntipolo#MayorJunYnares