Mainit na sinalubong ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Lakbay-Aral ng Liga ng mga Barangay (LnB) Catubig, Northern Samar kahapon, Nobyembre 22, 2018 sa Antipolo City Hall. Target ng higit sa 70 delegado ng Catubig LGU sa kanilang pagbisita ang pag-aaral sa mga “best practices” ng Antipolo pagdating sa turismo at livelihood training.

CGA NorthernSamarVisit1

CGA NorthernSamarVisit5

Namangha ang nasabing grupo sa makabago at innovative QR Code leaflets na ginagamit sa tourism promotion ng lungsod. Simula ng tanghalin ang Antipolo na most competitive city sa buong bansa ay dinagsa na ang Antipolo ng iba’t ibang local at international LGUs katulad ng La Union, Patnanungan, Infanta, Nagcarlan, Iloilo, Clarin, Lipa, Camarines Sur, Naga City, San Fernando City, at Laujar de Andarax, mula bansang Spain.

CGA NorthernSamarVisit6

 #TayoNaAntipolo #MayorJunYnares