Sa ika-dalawampu’t limang pagkakataon ay pinarangalan ang mga natatanging guro at principal ng DepEd Rizal at Antipolo sa ginanap na Guronasyon Silver Awards nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 23, 2018 sa Casimiro Ynares Stadium sa Binangonan, Rizal. Kabilang sa mga sumaksi sa naturang pagpaparangal ay si Antipolo City Mayor Jun Ynares kasama sina Rizal Provincial Governor Nini Ynares at Antipolo 1st District Representative Chiqui Roa-Puno pati na rin ang kaniyang kabiyak na si Cong Robbie.

CGA 25thGuronasyon1

Ngayong taon, kinilala ang husay at dedikasyon sa pagtuturo nina Bb. Maribel Grantuza ng Peace Village Elementary School na tinanghal na Most Outstanding Elementary School Teacher habang si G. Paul Gene Ocampo ng San Roque National High School ang nag-uwi ng parangal bilang Most Outstanding Secondary School Teacher para sa DepEd Antipolo.

CGA 25thGuronasyon2

Sa kategorya naman ng Most Outstanding School Principal, nakamit ni G. Patrick Alfred Olaño ng Old Boso-Boso Elementary School ang parangal para sa Elementary Category at si G. Nixon Maximo ng Cupang National High School naman ang nahirang para sa Secondary Category. #TayoNaAntipolo #Guronasyon