PINASINAYAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 1st Innovation Design Engineering and Art Fabrication Laboratory (IDEA FabLab) noong Nobyembre 27, 2018 sa Antipolo Institute of Technology (AiTECH), Sitio Cabading, Barangay San Jose. Sa pagtutulungan ng AiTECH at Department of Trade and Industry (DTI) Region IV, ito ang kauna-unahan at nag-iisang FabLab sa buong bansa na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng isang LGU.

CGA AiTech IdeaFabLab3

Maaaring gamitin ang FabLab ng mga mag-aaral, private contractors, engineering at construction industry sa buong Rizal para sa pagdisenyo at pagbuo ng kanilang mga imbensyon at produkto gamit ang mga state-of-the-art equipment at facilities na umabot sa P15-M budget.

CGA AiTech IdeaFabLab5

Ayon kay Mayor Ynares, buong puso ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa DTI at pamahalaang nasyunal sa walang tigil na pagsuporta sa Antipolo. Aniya, hudyat umano ang sunod-sunod na inaguration ng mga pampublikong imprastraktura na patuloy ang pag-unlad ng lungsod tulad ng kamakailang pagbubukas ng 1st Public Peritoneal Dialysis Unit sa Antipolo. Dagdag pa niya nalalapit na rin ang pagbubukas ng ika-4 na pampublikong ospital at ang pampublikong burulan sa Antipolo.

CGA AiTech IdeaFabLab4

Isa sa mga naging panauhing pandangal at keynote speaker sina DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, Rizal Vice Governor Reynaldo San Juan, Jr., Dr. Rennifer Francisco ng CHED, AiTECH President Dr. Erlinda Pefianco at DTI Rizal Provincial Director Mercedes ParreƱo.

Kauna-unahang local college ng Antipolo City ang AiTECH na miyembro ng Association of Local Colleges and Universities (ALCU) at isang accredited Higher Education Institution (HEI) ng Commission on Higher Education (CHED). Ito rin ang tangi at nag-iisang local college sa buong Pilipinas na nagbibigay ng kursong Bachelor of Science in Construction Engineering (BSConE).