Latest News

Handang magbigay ng pabuya ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo para sa makakapagturo sa mga suspect ng riding-in-tandem na namaril sa dalawang dalaga sa magkaibang barangay.

SUMAILALIM ang Community-based Rehabilitation Program (CBRP) implementers at completers ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa Assessment Exam ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong Oktubre 25, 2017 sa Hinulugang Taktak Hall.

Ginawaran ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga mag-aaral ng Holy Child of Jesus Inc. ng cash incentive na nagkakahalaga ng P 10, 000 sa ginanap na Flag Raising Ceremony noong Nobyembre 6, 2017 sa Sumulong Park bilang pagkilala sa kanilang pagkakapanalo sa City of Antipolo Private Schools Administrators Association (CAPSAA) 2017 Folk Dance Competition.

Ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD), ang mahigit P 580, 000 sa may 400 na senior citizens na hindi nakakuha ng kanilang mga pensyon sa isinagawang initial payout sa mga barangay noong Abril.

Binigyang diin ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Rain or Shine Elasto Painters, ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo sa ginanap na Basketball Sports Clinic noong Oktubre 28, 2017 sa Brgy. Sta. Cruz.

MAS MATINDING implementasyon ng “best practices” kontra-basura ang ipinamalas ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), sa ginanap na 2017 Environmental Compliance Audit (ECA) National Level Validation noong Nobyembre 6, 2017.

NAGSANIB-PWERSA ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at ang Department of Local Employment (DOLE) sa programang Integrated Livelihood Assistance and Enhancement Program upang matulungang magbagong-buhayang mga nalulong sa droga.

Pinapaalalahanan ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na panatilihing presentable ang sarili at sumunod sa itinakdang Administrative Order No. 2017-03-A o ang Dress Code Policy para sa lahat ng mga empleyado at job orders sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony noong Nobyembre 6, 2017 sa Sumulong Park.

SAMU’T saring household at personal items, stationery, laruan at mga gadgets ang maaaring mabili sa Japanese designer brand na Miniso, na nagbukas sa SM Cherry Antipolo, noong Nobyembre 10, 2017 katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares.

SUMAILALIM ang mahigit 50 miyembro ng Sitio Kaila Palengke Toda (SIKAPTODA) sa Drug Abuse Preventive Education Seminar ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Anti-Drug Abuse Office (ACADAO) at Public Transport Regulatory Board (PTRB), noong Nobyembre 3, 2017 sa Antipolo City Hall.