Latest News

NAGPAKITA ng kanilang suporta ang mga nasyunal na ahensya ng gobyerno sa naganap na Cooperative Assessment and Planning Session 2017 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo noong Marso 9, 2017 sa Hinulugang Taktak Hall, Antipolo City Hall. Nakiisa sa programa ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST).

MAS mataas na salary compensation ngayong 2017 ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), para sa mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES). Makakatanggap ng P 430.00 salary rate per day ang mga SPES beneficiaries ngayong taon na mas malaki kumpara sa dating P 340.00 per day.

Si Mayor Jun Ynares kasama ang kalahok ng Binibining Pilipinas na si Clarise Marion Villareal ng Brgy. San Roque sa ginawang courtesy call noong Marso 13, 2017 sa Antipolo City Hall.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 177 na ipinalabas ng Malacanang, wala pong pasok sa buong Lungsod ng Antipolo sa darating na Martes, ika-4 ng Abril 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na taong pagkakatatag ng lungsod ng Antipolo.

SINAGIP ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Social Welfare and Development (CSWD), Office of Public Safety and Security (OPSS) at City Peace and Order Concern (CPOC) ang 9 na menor de edad na natagpuan sa isang computer shop sa Cogeo Gate 2, Brgy. Bagong Nayon noong Pebrero 11, 2017. Isinagawa ang Lingap Kabataan sa Lansangan Operation bilang bahagi ng maigting na pagpapatupad ng Curfew Ordinance o ang pagbabawal sa mga kabataan na magpakalat-kalat sa lansangan simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Nakatanggap ng libreng Starter Kits ang 20 benepisyaryo ng Bread, Cake and Pastry Production mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Cooperative and Livelihood Office, na iginawad sa Flag Raising Ceremony noong Marso 6, 2017 sa Sumulong Park. Pinangunahan ni Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan (ikawalo mula kanan, unang hanay), kasama ng bumubuo sa Sangguniang Panlungsod,  ang naturang Graduation and Awarding Ceremony. Nagkakahalaga naman ng P 2,000 pesos ang bawat starter kit na naipamigay.

Nakiisa ang mga residente ng Antipolo at ang  Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagsalubong sa Mahal na Itim na Nazareno mula sa Quiapo Church patungo sa San Isidro Labrador Church noong   Marso 2, 2017.

MAY 41 na bata at matanda na may bingot ang masaya ng makakangiti matapos sumailalim sa libreng operasyon mula sa Antipolo City government, katuwang ang Philippine Band of Mercy, sa isinagawang Joint Cleft Care Surgical Program noong Pebrero 25, 2017 na ginanap sa Antipolo City Hospital System - Annex I. Nabigyan din ng mga libreng gamot ang mga pasyente at libreng admittance din sa nasabing ospital ng dalawang araw.

Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga bagong medical equipment mula kay District 2 Congressman Romeo M. Acop upang magamit at mapakinabangan ng Antipolo Hospital System Annex II. Isinagawa ang naturang turnover ceremony sa Flag Raising Program sa Sumulong Park noong Pebrero 27, 2017.

MAGSASAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ng malakihang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa rabies, bakuna sa rabies at libreng pagpapatanggal ng ari ng hayop bilang bahagi ng pagdiriwang ng World’s Rabies Awareness Month na may temang “#END RABIES, NOW NA!” at “Rabies ay Iwasan, Alaga ay Pabakunahan.” Tututukan ng City Veterinary Office ang 16 na barangay lalo na ang may mga matataas na kaso ng rabies mula Pebrero hanggang Marso.