Latest News

Hindi natiis ng TV host na si Julius Babao na hindi tigilan ng kanyang sasakyan ang isang matandang tila pakalat-kalat sa gitna ng Olalia Road, Brgy. Sta Cruz noong Pebrero 6. Sa pakikipagtulungan ng TV Host sa City Social Welfare and Development Office (CSWD), nalaman na ang nawawalang matanda ay si Pedrito Gundaya, 81 taong gulang at tubong Bulacan. Muling nakita ni Lolo Pedro ang kanyang asawa at anak noong Pebrero 10.

MASAYANG sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, si Princess Maha Chakri Sirindhorn ng bansang Thailand sa kanyang pagbisita sa Bagong Nayon II Elementary School (BN II ES) at Isaias Tapales Elementary School (ISTES) noong Enero 21, 2016 bilang bahagi ng kanyang state visit sa Pilipinas. Bumisita ang prinsesa ng Thailand sa bansa upang bisitahin ang dalawa sa apat na paaralan sa Pilipinas na makikinabang sa kanyang Youth and Development Project.

City Treasurer Emilia Abella (left) and City Environment Officer Violeta Faiyaz upon receiving the Plaque of Recognition and the P60,000 cash prize for winning the Gold Award from the Department of Interior and Local Government (DILG) in the Environmental Compliance Audit (ECA) Conferment Ceremony last December in Tagaytay, City.

MAS PINAGANDA at patok na fashion trend ang mga damit na mabibili sa bagong Surplus Store sa Upper Ground ng SM City Masinag kung saan nagkaroon ng Store Blessing at Ribbon Cutting nitong Enero 7, 2015 bilang pormal na pagbubukas nito.

MULING kinilala ang kadakilaan ng lokal na bayani ng Antipolo na si Don Juan Sumulong sa pamamagitan ng isang maikling programa kung saan ginunita ang kanyang mga kabayanihang ginawa para sa bayan. Sa pamumuno ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo at sa pakikipagtulungan na rin ng Antipolo City Culture Arts and Tourism Promotions Office (AnCCATPO), ginanap ang programa noong Disyembre 27, 2015 sa Sumulong Park kung saan ito ay ipinangalan sa kanya.

PINARANGALAN ng Department of Health (DOH) at Philippine Blood Center (PBC) ang Antipolo City bilang Melchora Aquino Awardee dahil sa mahigit 300 blood units na boluntaryong inalay ng lungsod sa PBC sa ginanap na 4th Gawad Dugong Bayani noong Disyembre 1, 2015 sa Quezon City Sports Club.

Antipolo City – Naglaan si Antipolo City Mayor Jun Ynares ng P100,000.00 pabuya sa sinumang makakapagbigay kaalaman na makakatulong sa paglutas ng pagkakapatay sa traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si G. Sydney Role na residente ng Barangay dela Paz sa nasabing lungsod.

Sama-samang nakiisa ang buong Sangguniang Panlungsod at ang mga department heads ng pamahalaang lokal ng Antipolo, sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Jun Ynares, sa pagdiriwang ng Rizal Day bilang paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal na ginanap sa Rizal Provincial Capitol noong Disyembre 30, 2015.

SINALUBONG ng Antipolo City ang bagong taon sa isang engrandeng Fireworks Display at Battle of the Bands na handog ng pamahalaang lungsod noong Disyembre 30, 2015 sa Robinson’s Place Antipolo bilang pagtatapos na rin sa taunang Antipolo Christmas Fiesta 2015.

This year, it will all start here in Antipolo! Catch the First Leg of Le Tour de Filipinas 2016 on Thursday, February 18, 2016 at the Sumulong Park.