Latest News

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng NATIONAL WOMEN'S MONTH ngayong buwan ng Marso, magkakaroon ng libreng cervical screening at breast exam para sa mga kababaihan ngayong darating na Biyernes, Marso 3, 2017 sa Sumulong Park.

This year's theme "We Make Change Work For Women", emphasizes that women should be active drivers in bringing about positive changes, and that they should reap from development efforts.

SA patuloy na pag-arangkada ng taunang LBC/Ronda Pilipinas, muling napili ang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, upang ganapin ang Stage 11 ng nasabing cycling tournament na itinuturing na ikaapat na pinakamalaking naorganisang karera sa buong mundo. Sa pangangasiwa ng PhilCycling, nagsimula ang stage 11 sa Calamba City na may layong 140 kilometro na binagtas ng 82 riders mula sa 12 teams patungo sa finish line sa Hinulugang Taktak Protected Landscape ng Antipolo noong Pebrero 21, 2017.

OPISYAL na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang Antipolo City Anti-Drug Abuse Office (ACADAO) ngayong Pebrero para sa mas maigting na kampanya laban sa droga at krimen. Layunin ng naturang opisina na magsilbing katuwang ng pamahalaang lokal at Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC) sa kampanyang “Tayo Na Kontra Droga”.

MULING ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, kaisa ang mga taga-Antipolo, ang “Ika-72 Anibersaryo ng Paglikas ng Mahal na Birhen Patungong Sitio Colaique” noong Pebrero 18, 2017 sa Sitio Colaique, Barangay San Roque. Sinimulan ang taunang paggunita ng isang prusisyon mula Antipolo Cathedral hanggang Sitio Colaique kung saan ginanap ang isang misa pasasalamat para sa matagumpay na pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng lungsod.

MULING nabuhay ang turismo sa Hinulugang Taktak Falls Protected Landscape (HTPL) sa dami ng bilang ng mga turistang bumisita dito. Nakapagtala ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ng  halos 40,000 na turista noong nakaraang taon. Matatandaang Pebrero 2015 nang muli itong buksan matapos sumailalim sa isang matinding rehabilitasyon.

Tumanggap ng ayuda ang 770 residente mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa isinagawang payout para sa Cash For Work – Climate Change Adaptation and Mitigation noong Pebrero 10, 2017 sa Sumulong Park. Layon ng programa na mabigyan ng financial assistance ang mga pamilya na maaari nilang gamitin pangkabuhayan bilang paghahanda sa mga darating na sukuna at pagkatapos nito.

DAMANG-DAMA ang pag-ibig sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa Antipolo kung saan 61 pares ang nagpalitan ng “I Do” sa libreng Kasalang Bayan ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Pag-IBIG Fund noong Pebrero 14, 2017 sa Sitio Maligaya, Brgy. San Isidro. Bahagi ang naturang programa ng pagdiriwang ng “6th I Do. I Do. Araw ng Pag-IBIG” kung saan libreng kasal ang handog ng pamahalaang lokal at Pag-IBIG Fund para sa mga miyembro nito.

Makisaya at makibahagi sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero.

HALOS 36 kilo ng imported at iligal na karne ang nakumpiska ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) Task Force Bantay Karne at local meat inspectors sa isinagawang Post Abattoir Meat Inspection “Monitoring and Surveillance of Meat and Poultry” sa City Mall of Antipolo (CMA), New Antipolo Public Market (NAPM) at AGORA Market noong Enero 13, 2017. Alinsunod ito sa Memorandum Order No. 01-2017-007 mula sa NMIS kung saan nakatanggap ang ahensya ng ulat na ibinibenta sa mga palengke sa buong bansa ang mga karneng hindi sumailalim sa inspeksyon o pagsusuri nito.