Latest News

HINUHUBOG ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang mga kabataan ng lungsod na maging isang “kabataang pag-asa ng bayan” sa pamamagitan ng mga programang mag-aangat ng kanilang kaalaman at magmumulat sa mga isyu at problemang kinakaharap ng mga kabataan gaya ng HIV/AIDS, teenage pregnancy, drug abuse, bullying, at human trafficking. Kaugnay ito sa isinagawang “meet and greet” ng mga miyembro ng Pag-asa Youth Association (PYA) na ginanap sa covered court ng Robinsons Homes East noong Setyembre 18, 2016. Umabot na sa halos 2,000 ang miyembro ng PYA simula 2013 hanggang sa kasalukuyan.

NANGUNA sa Clean-up Campaign  ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Setyembre 16, 2016 kung saan nilinis at winalis nila ang kalat sa mga kalye sa Poblacion area. Pinangasiwaan ng City Human Resource and Management Office (CHRMO) at ng General Services Office (GSO) ang naturang programa na bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month na may temang “Sigaw ng Lingkod Bayani: Malasakit para sa Taumbayan, Kapwa Kawani at Kalikasan.”

AKTIBO sa pagpapakalat ng kaalaman sa rabies ang Pamahalaang lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at Bureau of Animal Industry, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Advocacy Program on Rabies Prevention and Control” sa lahat ng pampubliko at pribadong elementarya at high school sa lungsod simula noong Agosto 16. Pinangangasiwaan ng City Veterinary Office ang naturang programa na bahagi ng pagdiriwang ng World’s Rabies Day at World’s Animal Day na may layuning bigyan ng karagdagang kaalaman ang bawat isa tungkol sa rabies at isulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop.

Nagbigay ng seminar at mga binhi ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa San Joseph Elementary School, Barangay San Jose kaugnay sa “Gulayan sa Paaralan Project” ng Department of Education. Humingi ng tulong ang nasabing paaralan sa pamahalaang lokal na agad namang inaksyonan ng City Agriculture Office (CAO) sa ilalim ng direktiba ni Mayor Jun Ynares.

Si Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan, kasama ang ibang konsehal, habang tinatanggap ang Plaque of Recognition, mula sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) Regional Office –CaLaBaRZon, na iniaabot ni C/INSP Noel Corpuz, Jail Warden ng BJMP- Antipolo, dahil sa suporta at tulong na ibinibigay ni Antipolo City Mayor Jun Ynares sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga kulungan at pangangalaga sa kalusugan ng mga “inmates,” sa ginanap na Monday Flag Raising noong Setyembre 26, 2016. 

Libreng check-up at bunot ng ngipin para sa mga mamamayan ng Antipolo ang handog ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa inilunsad na Antipolo Dental Health Bus noong Setyembre 26, 2016 sa Monday Flag Raising. Umiikot ang dental health bus sa mga eskwelahan at barangay sa pangangasiwa ng City Health Office. 

Naging patok sa publiko ang nagagandahang 30 exhibition booths ng mga produkto at serbisyo sa lungsod na nakiisa sa 4th Antipolo Tourism Fair ng pamahalaang lokal na ginanap sa Robinson Place Antipolo noong Setyembre 25, 2016.  Layunin ng programang ipagmalaki at ipakilala sa publiko ang mga iba’t ibang establisyemento katulad ng mga schools, swimming resorts, restaurants at team building venues sa Antipolo City.

Nagpagalingan sa paggawa ng dessert o panghimagas ang limang kusinero mula sa mga kolehiyo sa lungsod sa ginanap na “Chefs on Parade” ng Antipolo City government, sa pangunguna ng Antipolo City Culture and Tourism Promotions Office (AnCCaTPO), noong Setyembre 25, 2016 na ginanap sa Robinsons Place Antipolo. May temang “Taste of Antipolo,” naghanda ang bawa’t kalahok ng panghimagas na kanilang sariling likha at may kakaibang sarap.

IBINIDA ang galing sa sining ng mga Antipolenyo sa art exhibit na pinamagatang “Artipolo: A Journey to Rizal’s Artistry” sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, Philippine Information Agency (PIA) at National Commission on Culture and the Arts (NCCA) noong Setyembre 19, 2016 sa SM Masinag. Pangunahing adhikain ng naturang exhibit na buhayin at pagyamanin ang sining at kultura sa iba’t ibang rehiyon kabilang na ang probinsya ng Rizal.

PINURI ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa ginanap na Material Recovery Facilities (MRFs) Launching ng Cupang Elementary School noong Setyembre 7, 2016. Ito ang ika-7 MRF Launching sa siyudad mula Agosto ngayong taon upang himukin ng pamahalaan ang mga paaralan na magtayo ng kani-kanilang MRF upang mabawasan ang mga basura sa lungsod.