Latest News

Si Scholarship Office Program Head Lester San Juan habang ibinabahagi ang mga naisakatuparang programa ng kanilang tanggapan ngayong taon sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Abril 16, 2018 sa Sumulong Park.

NAGPAKITANG-GILAS sa softball ang 13 koponan na nakiisa sa Opening Ceremony ng Mayor Jun Ynares Softball Cup 2018 ng Antipolo City government noong Abril 14, 2018 sa Sumulong Field, Taktak Road, Brgy. Dela Paz.

MATAGUMPAY ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, dahil sa iba’t ibang programa at proyektong inilunsad nito na nangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan katuwang ang ibang ahensiya at pribadong sector.

Mula sa 46 na transpinay na nagmula sa iba’t-ibang panig ng lungsod ng Antipolo, 25 ang napiling mga bagong kandidata sa Queen of Antipolo 2018 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, matapos ang isinagawang screening noong Abril 11, 2018 sa Ynares Multi-purpose Hall.

Si Antipolo First Lady Andrea “Andeng” Ynares (ikalawa mula kanan) kasama si Kon. Loni Leyva at ang Numero Unong Guro awardee sa ginanap na graduation ng Jesus Cabarus Elementary School noong Abril 3, 2018.

Buong giliw na binati ni Antipolo First Lady Andrea “Andeng” Ynares ang napiling “Natatanging Mag-aaral Awardee” para sa kategoryang Senior High School noong Abril 3, 2018 sa ginanap na graduation ng San Jose National High School.

Si Antipolo First Lady Andrea “Andeng” Ynares habang ibinabahagi ang plake ng pagkilala sa pamilya ng natatanging mag-aaral awardee sa ginanap na graduation ng Jesus Cabarus Elementary School noong Abril 3, 2018.

Nakibahagi si Antipolo City First Lady Andeng Ynares sa ginanap na 1st Commencement Exercises ng Institute of Creative Computer Technology Senior High School nitong nakaraang Martes, Abril 17, 2018 sa Ynares Center.

Narito po ang kumpletong schedule ng Operation Tuli ng City Health Office para sa taong ito.