Latest News

MASUSING pinaghahandaan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang Oplan Semana Santa 2016 sa naganap na pagpupulong noong Pebrero 19, 2016 sa Antipolo City Hall.Tinalakay ang mga hakbang na gagawin upang matiyak ang seguridad, kaligtasan at kaayusan ng libu-libong debotong dadagsa sa Antipolo sa darating na Marso 21-27. Kilala ang Antipolo bilalang Pilgrimage Capital of the Philippines na kung saan nakaluklok ang Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Bukod sa araw ng mga puso, lalo pang naging makulay ang Pebrero ng bawat Antipoleño matapos magtagisan sa larangan ng sining ang mahigit 100 na lumahok sa On-the-Spot Painting Contest, Bamboo Cellphone Holder Design Contest, at Sculpture Competition ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo bilang selebrasyon sa National Arts Month na may temang "Public Art; Art for All" nitong Pebrero 20 - 21, 2016 sa Robinson's Place Antipolo.

DILG Memorandum Circular No. 2016-09 dated January 26, 2016

Pursuant to the powers vested in it by the Constitution, the Omnibus Election Code, Executive Order No. 157, Republic Act No. 7166, Republic Act No. 10380, and other pertinent election laws, the Commission on Elections (COMELEC) is preparing for Local Absentee Voting for the May 9, 2016 National and Local Elections.

The public is advised to refrain from investing in JACAMA, which appears to be a Ponzi scheme with products used only to make it appear that the entity is a legitimate business; to stop recruiting people into the scheme and to take necessary precautions in dealing with JACAMA or its representatives. 

See SEC Advisory

PORMAL nang binuksan ang kauna-unahang Mayor Jun Ynares Softball Tournament sa Antipolo City na nilahukan ng 23 grupo ng manlalaro noong Enero 31, 2016 na ginanap sa Sumulong Field, Taktak Rd. Layon nitong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa mga programang pampalakasan at lalong buhayin ang larong Softball sa lungsod.

HIGIT na 3,000 motorista na sa Antipolo ang nahuli dahil sa paglabag sa batas trapiko simula pa noong nakaraang taon. Pinaigting ng pamahalaang lungsod ang pagsunod sa batas trapiko ng mga pampublikong sasakyan upang masigurado ang disiplina at kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.

Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lungsod ng Antipolo bilang natatanging Local Government Unit (LGU) na “Walkable-Bikeable City” sa bansa pagkatapos ayusin at gawing ligtas ni Mayor Jun Ynares ang mga kalsadang dinadaanan ng daan-daang siklista na umaakyat sa Antipolo mula Lunes hanggang Biyernes habang umaabot naman sa 1,000 siklista ang dumadayo dito tuwing Sabado at Linggo.

KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang 41 Dean’s Listers ng Antipolo Institute of Technology (AITECH) na nagkamit ng General Weighted Average (GWA) na hindi bababa sa 2.0 sa unang semester pa lamang ng Academic Year 2015-2016 sa ginanap na Monday Flag Ceremony, February 15, 2016.

Isang karangalan para sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na dito idaos ang kauna-unahang pagpupulong ng Human Resource Mangement Practitioners na pinangunahan ni Attorney Karin Litz P. Zerna,

Hindi natiis ng TV host na si Julius Babao na hindi tigilan ng kanyang sasakyan ang isang matandang tila pakalat-kalat sa gitna ng Olalia Road, Brgy. Sta Cruz noong Pebrero 6. Sa pakikipagtulungan ng TV Host sa City Social Welfare and Development Office (CSWD), nalaman na ang nawawalang matanda ay si Pedrito Gundaya, 81 taong gulang at tubong Bulacan. Muling nakita ni Lolo Pedro ang kanyang asawa at anak noong Pebrero 10.