Latest News

City Treasurer Emilia Abella (left) and City Environment Officer Violeta Faiyaz upon receiving the Plaque of Recognition and the P60,000 cash prize for winning the Gold Award from the Department of Interior and Local Government (DILG) in the Environmental Compliance Audit (ECA) Conferment Ceremony last December in Tagaytay, City.

MAS PINAGANDA at patok na fashion trend ang mga damit na mabibili sa bagong Surplus Store sa Upper Ground ng SM City Masinag kung saan nagkaroon ng Store Blessing at Ribbon Cutting nitong Enero 7, 2015 bilang pormal na pagbubukas nito.

MULING kinilala ang kadakilaan ng lokal na bayani ng Antipolo na si Don Juan Sumulong sa pamamagitan ng isang maikling programa kung saan ginunita ang kanyang mga kabayanihang ginawa para sa bayan. Sa pamumuno ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo at sa pakikipagtulungan na rin ng Antipolo City Culture Arts and Tourism Promotions Office (AnCCATPO), ginanap ang programa noong Disyembre 27, 2015 sa Sumulong Park kung saan ito ay ipinangalan sa kanya.

PINARANGALAN ng Department of Health (DOH) at Philippine Blood Center (PBC) ang Antipolo City bilang Melchora Aquino Awardee dahil sa mahigit 300 blood units na boluntaryong inalay ng lungsod sa PBC sa ginanap na 4th Gawad Dugong Bayani noong Disyembre 1, 2015 sa Quezon City Sports Club.

Antipolo City – Naglaan si Antipolo City Mayor Jun Ynares ng P100,000.00 pabuya sa sinumang makakapagbigay kaalaman na makakatulong sa paglutas ng pagkakapatay sa traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si G. Sydney Role na residente ng Barangay dela Paz sa nasabing lungsod.

Sama-samang nakiisa ang buong Sangguniang Panlungsod at ang mga department heads ng pamahalaang lokal ng Antipolo, sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Jun Ynares, sa pagdiriwang ng Rizal Day bilang paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal na ginanap sa Rizal Provincial Capitol noong Disyembre 30, 2015.

SINALUBONG ng Antipolo City ang bagong taon sa isang engrandeng Fireworks Display at Battle of the Bands na handog ng pamahalaang lungsod noong Disyembre 30, 2015 sa Robinson’s Place Antipolo bilang pagtatapos na rin sa taunang Antipolo Christmas Fiesta 2015.

This year, it will all start here in Antipolo! Catch the First Leg of Le Tour de Filipinas 2016 on Thursday, February 18, 2016 at the Sumulong Park.

Antipolo City Mayor Jun Ynares officiating the wedding rites of 88 couples from Barangays Calawis and San Jose at the Kasalang Bayan at Sitio Habitat, Barangay San Jose.

Kakaibang ngiti ang inihatid sa mga labi ng mga batang kabilang sa nabiyayaan ng libreng operasyon sa cleft palate o bingot noong nakaraang Sabado, Pebrero 6, 2016 sa Antipolo District Hospital. Naisakatuparan ang programang ito sa kagandahang loob ng Philippine Band of Mercy sa pakikipagtulugan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamamagitan ng City Health Office.