Latest News

BUHAY na buhay ang makulay na tradisyong Antipolenyo mula sa pagdiriwang ng buong lungsod ng kapistahan ng Inmaculada Concepcion mula sa mga programang handog ng Pamahalaang Lokal ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, noong Disyembre 7-8, 2016. Inabangan ng libu-libong mamamayan ang Grand Parade na umikot sa buong kabayanan ng siyudad. Napuno rin ng aliw ang buong Antipolo dahil sa taunang palabas at patimpalak para sa pista ng bayan gaya ng Marching Band Exhibition, Drum and Lyre Competition, Serenata sa Mahal na Ina, at Tugtugan sa Plaza.

Maagang ipinagdiwang sa SM City Masinag ang Kapaskuhan sa ginanap na Grand Parade ni Santa Claus kasama ang ilang Shopkins Mascots na nagbigay saya sa mga Antipolenyo noong Disyembre 11, 2016. Bahagi ang naturang programa ng pagdiriwang ng matamis at makulay na Pasko sa Antipolo, katuwang ang pamahalaang lokal, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares kung saan iba’t ibang aktibidad ang nakapilang isagawa sa buong buwan ng Disyembre.

NAGSAMA-SAMA ang mahigit 80 local employers sa ginanap na Antipolo City Employers’ Forum ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, noong Nobyembre 29, 2016 sa Antipolo City Hall.

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang programang “Christmas on the Mountains” sa pamamagitan ng pag-iilaw ng higanteng 30-ft. Christmas Tree na gawa sa 35,000 pet bottles na ginamitan ng halos 30,000 light-emitting diode (LED) lights, noong Nobyembre 23, 2016 sa Sumulong Park.

OPISYAL nang binuksan sa publiko, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), ang ikalawang Negosyo Center  sa ginanap na Launching Ceremony noong Nobyembre 29, 2016 sa City Mall of Antipolo (CMA).

Idinaos nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 1, 2016 ang taunang parada ng mga Higante mula sa kapilya ng Nuestra Dela Anunciata patungo sa mga lansangan ng poblacion at hanggang sa tahanan nina Antipolo City Mayor Jun Ynares sa Beverly Hills Subdivision. Mainit naman na tinanggap ni Antipolo City First Lady Andeng Ynares ang mga deboto, bisita at mga nakiparada sa kanilang tahanan.

Bumisita ang mga Nursery, Prep at Kindergarten pupils ng Sun Hwa International Academy nitong Biyernes ng umaga, Disyembre 2, 2016 sa Antipolo City Hall bilang bahagi ng kanilang Community Tour ngayong taon. Mainit na pagtanggap ang inihatid ni Antipolo City Tourism Officer Marino Bacani sa mga bumisitang mag-aaral at magulang na nag-ikot sa mga piling opisina ng Pamahalaang Lungsod kabilang ang Office of the Mayor at Office of the City Administrator.

Ginanap nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Nobyembre 25, 2016 sa Casimiro A. Ynares Sr. Auditorium sa Binangonan, RIzal ang taunang pagpaparangal ng Guronasyon Foundation para sa mga Natatanging Guro at Punong Guro ng Division of Antipolo City at Rizal. Tinanghal na Outstanding Teacher para sa Elementary Category si G. John Carlo Tulinao ng San Isidro Elementary School habang si G. Samson Edillo naman ng San Isidro National High School ang nagkamit ng titulo para sa Secondary Category.

Bilang bahagi pa rin ng Oplan Lingap Lansangan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, magkatuwang na sinuyod ng mga kawani ng City Social Welfare and Development Office at Office of Public Safety and Security ang area ng Lico's Park sa Barangay San Jose nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 26, 2016. Ito ay naglalayong mailigtas sa tiyak na kapahamakan at mga masasamang elemento sa lansangan ang mga kabataan na nasa labas pa rin ng kanilang mga tahanan kahit dis oras ng gabi.

Bilang bahagi ng kanilang Community Tour para sa taong ito, bumisita ang mga Primary 1 to 3 students ng Virtudes De La Academia kasama ang kanilang mga guro at magulang sa Antipolo City Hall nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 25, 2016. Katuwang ang mga kawani mula sa Public Information Office, inikot ng mga mag-aaral ang mga piling opisina sa City Government of Antipolo tulad ng Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, Session Hall at City Environment and Waste Management Office na naglalayong maging pamilyar ang mga kabataan sa sistema ng pamahalaan at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang komunidad.