Latest News

Ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, kasama ang mga delegado mula sa religious sector matapos ang isinagawang Community Based Rehabilitation Program (CBRP) Seminar noong Oktubre 13, 2017 sa Antipolo City Hall.

Nasaksihan ng 8 kandidata ng Miss Earth 2017 ang maunlad na turismo ng lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, matapos ang kanilang pagbisita na ginanap noong Oktubre 19, 2017.

27 na kooperatiba sa lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang nagsama-sama para ipagdiwang ang taunang selebrasyon ng Cooperative Month sa ginanap na Seminar on Gender and Development (GAD) in Cooperatives sa Sumulong Park noong Oktubre 18, 2017.

Pinapaalalahanan ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na panatilihing nasa oras ang pagpasok sa trabaho sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony noong Oktubre 23, 2017 sa Sumulong Park.

Napatunayan muli ng lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na natatangi ang yaman ng turismo ng lungsod matapos tumanggap ng parangal bilang 2nd Runner Up sa Best Tourism Week / Month Celebration mula sa Department of Trade (DOT) at ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) noong Oktubre 6, 2017 sa Iloilo City.

MASAYANG nagtulong-tulong ang halos 550 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Adopt-A-Street Program bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Civil Service Commission noong buwan ng Setyembre na may temang “Hamon sa Pagbabago: Malasakit sa Lingkod Bayani.”

Si Andrea “Andeng” Ynares, maybahay ni Antipolo Mayor Jun Ynares, habang ibinabahagi ang tungkol sa responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga supling sa ginanap na pagdiriwang ng Universal Children’s Month (UCM) noong Oktubre 12, 2017 sa Sumulong Park.

Mas pinapaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Health Office at Public Information Office, ang laban sa malnutrisyon sa pangalawang araw ng “Nutrition on Wheels” sa Purok 3, Brgy. Cupang noong Oktubre 11, 2017.

Kinilala ng Brgy. Muntindilaw sa Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga residente at kawaning nagpamalas ng kakaibang dedikasyon at malasakit sa kanilang komunidad sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng nasabing barangay noong Oktubre 9, 2017.

NAKIBAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa grand re-opening ng Red Ribbon sa SM Masinag noong Oktubre 5, 2017 kung saan bumungad sa mga dumalo ang modernong disenyo ng nasabing establisyimento na mas makulay at mas maliwanag.