Latest News

Mahigpit na paghahanda ang ginagawa ng Antipolo City Government para sa darating na pagdiriwang ng Mahal na Araw kung saan inaasahang dodoble ang 3-5 milyong debotong nakiisa noong 2017 sa taunang Alay Lakad ngayong taon, Marso 29.

Sa bisa ng Memorandum Circular No. 43 na inilabas ng Palasyo, kanselado ang pasok ng mga tanggapan ng gobyerno bukas, Marso 28, 2018 simula alas dose ng tanghali.

Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kababaihan na tumakbo at makiisa sa gaganaping Barangay Elections bilang pagkilala nito sa taglay na talino at kontribusyon ng mga kababaihan sa komunidad, sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Marso 19, 2018 sa Sumulong Park.

MULING nabigyan ng pagkakataon ang mga pinalad na mag-aaral ng lungsod ng Antipolo na makapasok sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng Pamahalaang Lungsod sa isinagawang interview ng 737 na mga benipisyaryo ng SPES sa Antipolo City Hall noong Marso 15, 2018.

PAGPAPAIGTING ng mga proyekto ang naging paksa sa isinagawang 1st Quarter Solid Waste Management Board Meeting ng Antipolo City government noong Marso 9, 2017 sa City Hall.

INUULAT ng Antipolo City Library (ACL) ang tagumpay ng mga isinagawang programa nito sa taong 2017 at ang iba pang mga programang plano nilang ipatupad ngayong taon sa naganap na Flag Raising Ceremony noong Marso 12, 2018 sa Sumulong Park.

Ang mga beterano ng digmaan ng Antipolo City sa naganap na pag-aalay ng bulaklak sa Liberation Marker sa may City Hall para gunitain ang ika-73 Anibersaryo ng Liberation Day ng Antipolo noong Marso 12, 2018.

Pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 12 Loyalty Awardees ng cash incentives at Plaque of Appreciation sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Sumulong Park noong Marso 12, 2018.

Nabigyan ng Antipolo City gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ng magandang oportunidad ang 32 residente na sumailalim sa libreng Furniture and Fixture Training noong Marso 8, 2018 na ginanap sa Cuencoville Covered Court, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot.

Ang Antipolo ay tahanan ng mga simbahang may masidhing debosyon sa Panginoon, hitik sa kasaysayan at naiibang disenyo at arkitektura.