Latest News

UPANG masiguradong wala ng kawani pa ang masasangkot sa droga, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa tulong ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC), ng “Seminar on Drug Abuse Prevention in the Workplace” noong Marso 22, 2017 na ginanap sa City Hall. Dinaluhan ng 75 mula sa iba’t ibang departamento ang seminar kung saan tinalakay ang mga isyu tungkol sa droga at ang layon ng pamahalaang lokal na gawin “drug-free” ang lungsod.

Naghahanap ka ba ng trabaho? Punta na sa April 20 sa Robinsons Place Antipolo at sumali sa Antipolo City Job Fair na lalahukan ng mahigit sa limampung kumpanya at employers. May one-stop shop din para sa document processing sa SSS, Pag-IBIG, Philhealth, NBI at PSA. Who knows baka ang dream job na pinaka-aasam mo ay narito na.

Si Mayor Jun Ynares, kasama ang mga manlalaro ng English Christian Academy (ECA) White Eagles, sa ginawang courtesy call sa Antipolo City Hall matapos ng kanilang recognition sa Monday Flag Ceremony noong Marso 27, 2017.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 177 na ipinalabas ng Malacanang, wala pong pasok sa buong Lungsod ng Antipolo BUKAS, ABRIL 4, 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na taong pagkakatatag ng lungsod ng Antipolo.

UPANG maiparating sa lahat ang epekto ng Climate Change sa ating kalikasan, taun-taon ipinagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang SM Supermalls ang Earth Hour o ang pag “turn off” ng ilaw sa loob ng isang oras. May temang “This Earth Hour, Shine a Light on Climate Change,” ginanap ang nasabing pagdiriwang sa SM Masinag noong Marso 25, 2017.

NAGSAGAWA ng “Violence Against Women and Crime Prevention and Proper Reporting Seminar” ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo-Philippine National Police (PNP), Task Force Peace and Order (TFPAO) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa Inuman Elementary School noong Marso 19, 2017. Bahagi ang programa ng maigting na kampanya ng pamahalaang lokal laban sa pang-aabuso sa kababaihan kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso na may temang “We Make Change Work for Women.”

UMABOT sa halos 30 na aso at pusa ang tinanggalan ng ari o sumailalim sa “castration” ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares katuwang ang City Veterinary Office, noong Marso 17, 2017. Bahagi ang naturang programa ng pagdiriwang ng National Rabies Awareness Month na may temang “# END RABIES NOW NA!” at “Rabies ay Iwasan, Alaga ay Pabakunahan” na sinimulan noong Pebrero hanggang Marso.

BINIGYAN ng libreng Make-Up Tutorial ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Human Resource and Management Office (CHRMO) at City Cooperative and Livelihood Office (CCLO), ang mga kababaihang kawani nito noong Marso 17, 2017. Bahagi ang naturang programa ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso na may layuning mas palakasin ang mga kababaihan para sa positibong pagbabago at pag-unlad.

Makiisa sa pagdiriwang ng EARTH HOUR sa darating na Sabado, March 25, magpatay ng ilaw at mga hindi esensyal na kasangkapan sa loob ng isang oras mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi upang ipakita sa buong mundo ang ating pagkilos upang labanan ang mga epekto ng global warming at climate change.

MATAGUMPAY na idinaos ang 3-day Wedding Fair ng Pamahalaang Lungsod sa Robinsons Place Antipolo noong Marso 10, 2017. Tampok sa 3-day fair ang Kasalang Bayan na pinamunuan ni Mayor Jun Ynares, libreng reception na sagot ng mga catering services na nakabase sa lungsod, bridal fashion show, hair and makeup competition at Concierto De Amor.