Latest News

PINARANGALAN bilang 2015 Regional Champion pagdating sa Conduct Referral and Placement ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na Public Employment Services Office (PESO)  Assessment at General Assembly ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A na ginanap sa Biñan, Laguna noong Hulyo 29, 2016.

NAGSAMA-SAMA ang halos 100 Junkshop operators sa General Assembly ng Antipolo Junkshop Operators Association (AJOA) kung saan nagkaroon ng “Recycling and Waste Management Seminar and Planning Workshop” hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na idinaos sa Hinulugang Taktak Hall, Antipolo City Hall noong Hulyo 29, 2016.

The Sangguniang Panlungsod through the Committee on Accreditation is now accepting applicants for new or renewal of Non-Government Organization, Peoples Organization, Civil Society Organization and Cooperatives for accreditation. 

 

For more information, please visit the Office of Coun. Christian Alarcon at 4th Floor City Hall Building, Brgy. San Roque, Antipolo City or call at 689-4540.

 

NAGDIWANG ng kanyang ika-2 taong kaarawan si King Iverson Trono ng Antipolo City na kinilala bilang 100 millionth baby sa Lalawigan ng Rizal noong Hulyo 27, 2016. Bilang regalo ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, nagbigay si Mayor Jun Ynares ng mga bitamina at gamot upang makatulong sa masigla at malusog na pagpapalaki sa bata.

NAKIISA ang mahigit 400 Person’s With Disability (PWD) kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagdiriwang ng ika-38 National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na ginanap sa Sumulong Park noong Hulyo 22, 2016. Kaugnay nito, nagkaroon ng orientation seminar ang PWD ukol sa mga paghahandang isinasagawa tuwing may kalamidad o sakuna at ilang mga aktibidades na nagpapakita ng kakayahan ng mga PWD.

IPINAKITA ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa publiko ang mga makinarya at kagamitang ginagamit sa rescue operations sa pamamagitan ng static display sa Sumulong Park noong Hulyo 22, 2016 kaugnay ng pagdiriwang ng Disaster Preparedness Consciousness Month. Sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), layon ng programa na maipakita sa mamamayan ang mga paghahandang isinasagawa ng lungsod sa oras ng search and rescue operations tuwing may sakuna o kalamidad. Namigay rin    sa mga tao ng mga brochures at pamphlets na naglalaman ng mga dapat isaalang-alang bago, habang, at pagkatapos ng lindol.

ALINSUNOD sa hangarin ni Mayor Jun Ynares na mas palawakin pa ang kaalaman at kamalayan ng mga Antipoleño ukol sa paghahanda sa mga sakuna at kaugnay ng pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month, naglunsad ng Seminar-Workshop ang Barangay San Isidro katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Rescue 274, at Philippine Society of Emergency Medical Technicians (PSEMT) noong Hulyo 23-25, 2016 sa mga nasasakupang lugar ng barangay. Nagpamahagi rin ng mga booklet na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon sa mga paghahandang isinasagawa tuwing may sakuna o kalamidad.

MAS pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang City Health Office (CHO), ang kaalaman sa rabies at paghahanda sa mga sakuna ng mga Antipoleño matapos magsagawa ng “Health and Emergency Management and Rabies Control Program Seminar” sa Antipolo City Hall noong Hulyo 8, 2016. Layunin ng seminar na palawigin ang kaalaman ng mga Antipoleño tungkol sa panganib na dulot ng kagat ng hayop na may rabies gayundin ang wastong paghahanda sa panahon ng sakuna.

TINUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa Marcos Highway sa isang pagpupulong na ginanap sa Antipolo City Hall noong Hulyo 7, 2016. Naging sanhi ng nakakaabalang trapiko ang kasalukuyang ginagawang LRT Line 2 extension mula Santolan hanggang SM Masinag.

ISINUSULONG ang paglalaro ng sports ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Youth and Sports Development Office (CYSDO) bilang mabisang paraan upang ilayo ang mga kabataan sa pagkalulong sa masamang bisyo gaya ng alak at droga.