Latest News

Ang Fogging/Misting Operations ng City Epidemiology Surveillance Unit ng ating City Health Office ay magtutungo po sa Sitio Spring Valley sa Barangay Cupang ngayong umaga, August 9, 2018.

Inilunsad nitong Miyerkules, Agosto 8, 2018 sa Robinsons Place Antipolo Atrium ang Gourmet and Crafts Trade Fair sa pangunguna ng Samahan ng mga Rizaleño sa Sektor ng Agrikultura at Pagkain (SARAP).

Congratulations to the following faculty members and alumnae of the Professional Academy for Culinary Education (PACE) who took home awards at the recently held 2018 Philippine Culinary Cup.

Ang Fogging/Misting Operations po ng City Epidemiology Surveillance Unit ng ating City Health Office ay magtutungo sa Sitio Upper Dos sa Barangay Cupang ngayong umaga, August 8, 2018.

Ang Social Hygiene Clinic ng ating City Health Office ay magsasagawa ng HIV/AIDS, STI Caravan Lecture, Counseling at Testing Session sa Beverly Hills Barangay Hall ngayong hapon, August 8, 2018.

Bilang bahagi ng paggunita ng National Sight Saving Month, inihahandog ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Health Office ang libreng eye consultation at check up ngayong buwan ng Agosto.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), napagkalooban ng 11,000 hito fingerlings ang 35 mangingisda sa lungsod noong Hulyo 27, 2018 sa isinagawang Seminar on Freshwater Fish Prodution sa FITS Center, Brgy. San Jose.

NAGSAGAWA ng isang malawakang Dog and Cat Vaccination sa Brgy. Cupang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, para sa buong buwan ng Hulyo upang makaiwas ang mga residente sa panganib na dala ng rabies.

Pinarangalan ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 14 kawani sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony noong Hulyo 30, 2018 sa Sumulong Park bilang pagkilala sa kanilang mahabang panunungkulan sa pamahalaan.

Iniulat sa ginanap na Monday Flag Raising Ceremony ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Hulyo 30, 2018 sa Sumulong Park ang mga programang naisakatuparan ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.