Latest News

NAPUNO ng hiyawan ang Ynares Center sa ginanap na Employee’s One-Day Fun Day ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, bilang kick-off activity sa pagdiriwang ng ika-116 na anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC) noong Setyembre 17, 2016. 

MAHIGIT 300 miyembro mula sa pampubliko at pribadong sektor ang dumalo sa Division Stakeholder Summit Cum Mancom 2016 ng Department of Education (DepEd) - Antipolo, kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, na ginanap sa James Ville Resort and Hotel noong Setyembre 8, 2016. Layon ng Summit na may temang “Breakthroughs and Innovations in Partnerships” na palakasin pa ang ugnayan ng departamento sa mga stakeholders at pasalamatan na rin ang local government units (LGUs) at iba pang mga paaralang sumusuporta sa mga programa ng DepEd.

ISINALARAWAN ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamamagitan ng litrato ang tema ng ika-116 anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC) na “Sigaw ng Lingkod Bayani: Malasakit para sa Taumbayan, Kapwa Kawani, at Kalikasan,” matapos ang naganap na photo contest kamakailan nitong Setyembre 2016 sa Antipolo City Hall. Napatunayan dito na hindi lang sa paglingkod-bayan may talento ang mga kawani kundi pati sa larangan ng photography.

SUNOD-SUNOD na ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) ng mga paaralan sa lungsod ng Antipolo, epekto ng kampanya ng pamahalaang lokal sa ilalim ng Ynares Eco-System (YES) Program ng Rizal Provincial government. Siyam na paaralan na ang nagbukas ng kanilang sariling MRF ngayong Setyembre matapos mabigyan ng seminar ng City  Environment and Waste Management Office (CEWMO).

HINIHIKAYAT ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na magkaroon ng Material Recovery Facility (MRF) ang mga subdivision at paaralan sa lungsod bilang kampanya para mabawasan ang mga basura at polusyon. Sa pangangasiwa ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), inilunsad ng Oro Vista Royale sa Brgy. Mayamot ang sarili nitong MRF noong Oktubre 1, 2016.

Ehersisyong Zumba at Taebo, patok sa mga kawani ng Antipolo City Gov’t

MASIGLA at malusog na pangangatawan ang hatid ng programang “Zumba at Taebo” para sa mga kawani ng Antipolo City Gov’t  bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-116 na anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) na may temang “Sigaw ng Lingkod-Bayani: Malasakit Para Sa Taumbayan, Kapwa Kawani, at Kalikasan.” Sabay-sabay nagpapapawis pagkatapos ng trabaho ang mga empleyado sa may Sumulong Park sa buong buwan ng Setyembre at magtatagal to hanggang Disyembre.

KARAGDAGANG kalaman ang inihatid sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinagawang Financial Wellness Seminar noong Setyembre 14, 2016 sa Antipolo City Hall katuwang ang PruLife UK. Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-116 taong anibersayo ng Philippine Civil Service Commission, itinuro sa seminar ang wastong pangangasiwa at paggamit ng pera.

-       Mga estudyante, hinubog na maging mahusay na tourist guide sa Antipolo City

DAGDAG kaalaman para sa mahigit 300 tourism students ng Antipolo ang hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, sa ginanap na seminar tungkol sa tour guiding at customer service bilang bahagi ng  ikalawang araw ng 4th Antipolo Tourism Fair noong Setyembre 23, 2016 sa Robinsons Place Antipolo. Layon nitong ipalaganap sa mga kabataan kung gaano kaganda at kahalaga ang trabaho ng isang tour guide at ang wastong pamamaraan ng pakikitungo sa mga customers.

Pormal nang pinasinayaan nitong Martes ng umaga, Oktubre 4, 2016 sa campus ng Sapinit Elementary School sa Barangay San Juan ang Material Recovery Facility o MRF ng paaralan. Ang MRF na ito ay naglalayong mabawasan ang nalilikhang basura ng paaralan sa pamamagitan ng pagrecycle ng mga piling uri ng basura upang gawing mga kapaki-pakinabang na palamuti, kasangkapan sa bahay at laruan. Ang naturang okasyon ay dinaluhan ni Antipolo City 2nd District Councilor Nixon Aranas, San Juan Barangay Captain Julie Bolanos at mga kinatawan mula sa City Environment and Waste Management Office.

NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), sa isinagawang clean-up activity ng lungsod sa Tagbak River, Brgy. San Jose noong Setyembre 23, 2016 bilang suporta sa “OPLAN Busilak (Buhayin Sapa, Ilog, Lawa at Karagatan)” ng Rizal Provincial Government. Dinaluhan ang programa ng mahigit 600 government employees at volunteers mula sa mga pribadong kumpanya na may layuning buhayin ang mga waterways sa buong probinsya  ng Rizal upang mapakinabangan ng mga susunod pang salinlahi.