Latest News

MASAYANG lumahok ang 360 na manlalaro ng basketball at volleyball mula sa mga barangay at high schools sa unang distrito ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagbubukas ng Puno Cup 2018 sa Antipolo Sports Hub noong Abril 22, 2018.

SABAY-SABAY nagparada ang Antipolo City government, mga barangay at mga pribadong sektor sa padiriwang ng International Earth Day 2018 noong Abril 22, 2018.

Sumailalim ang Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa Regional Gawad Kalasag Validation noong Abril 24, 2018 na ginanap sa Antipolo City Hall matapos nitong masungkit ang Top 3 sa City Level Category.

Si Antipolo First Lady Andrea “Andeng” Ynares habang nagbabahagi ng kaniyang mensahe tungkol sa kahalagahan ng edukasyon gayundin ng kaniyang paghanga sa lahat ng magsisipagtapos sa ginanap na 17th Commencement Exercises ng University of Rizal System (URS) sa Ynares Center noong Abril 24, 2018.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 269 ng 2017, ang darating na Martes, Mayo 1 ay isang Regular Holiday bilang bahagi ng paggunita ng Labor Day.

Tayo na at makibahagi sa pinakamalaking pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo, all roads lead to Antipolo simula April 29 kaya yayain na ang lahat, tara na at makisaya sa Antipolo Maytime Festival 2018.

Si Assistant City Social Welfare and Development Officer (CSWD) Frescian Canlas habang iniuulat ang mga naisakatuparang programa ng kanilang tanggapan sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Abril 23, 2018 sa Sumulong Park.

MULING nabigyan ang publiko ng madali at abot-kayang alternatibong transportasyon papuntang lungsod ng Makati sa pagpapasinaya ng transport terminal ng Premium P2P (point-to-point) Bus Service sa SM City Masinag noong Abril 17, 2018.

Narito po ang kumpletong schedule ng libreng Anti-Rabies Vaccine Caravan sa Barangay Dalig ngayong buwan ng Abril hanggang Hunyo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day ngayong taon, sama-samang pumarada ang mga earth warriors ng lungsod mula Antipolo Cathedral patungong Hinulugang Taktak Protected Landscape nitong nakaraang Linggo, Abril 22.