Latest News

Mahigit 100 na guro mula sa mga pampublikong paaralan ng Antipolo ang dumalo sa Adoption Forum ng Department of Education (DepEd) na may temang “Legal na Ampon Ako, Anak na Totoo” noong Marso 9, 2016 na ginanap sa DepEd Conference Hall, Antipolo City. Katuwang ang Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, layon ng DepEd na palawakin ang kaalaman ng mga guro tungkol sa tamang proseso ng pag-aampon at ang kahalagahan ng pagsasaayos ng mga dokumento nito upang ipahatid sa mga magulang.

Nagkaroon ng Anti-rabbies Vaccination ang City Veterinary Office kasabay ang Medical and Dental Mission handog ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, na dinumog ng daan-daang Antipoleño mula sa Brgy. Cupang noong Marso 10, 2016.

NAGING kapana-panabik para sa mga inmates ng Antipolo City Jail ang kaarawan ni Mayor Jun Ynares tuwing ika-4 ng Marso. Katulad noong nakaraang taon, nabigyan muli ng kasiyahan at pag-asa ang libo-libong mga kapatid nating nasa bilangguan sa programang inihanda ng City Government. Namigay ng mga hygiene kit at mga tsinelas, at naging tampok ulit ang komedyanteng si Boobsie Wonderland ng GMA 7 na nagbigay halakhak at katatawanan.

Umabot sa halos 300 Antipoleño ang nakiisa sa bloodletting drive na may temang “Dugo mo, Buhay ko” sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, bilang bahagi sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Philippine Blood Center na ginanap sa Sumulong Park noong Marso 5, 2016.

Binigyang parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 700 na bata mula sa mga day care center at elementaryang pampublikong paaralan ng lungsod katuwang ang Save the Children bilang bahagi ng pagdiriwang sa 12th National Dental Health Month na ginanap sa covered court ng University of Rizal System noong Pebrero 26, 2016.

NADAGDAGAN na naman ang Antipolo achievers matapos parangalan ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) sina Ananda Wisely at Jamaica Jornacion sa 8th Ani ng Dangal (Harvest of Honors) na ginanap nitong Pebrero 29, 2016 sa Samsung Hall, SM Aura bilang pagtatapos sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Umabot sa 700 na mga bata, mula sa mga day care center at elementaryang pampublikong paaralan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, ang pinarangalan bilang Orally Fit Children sa pagdiriwang ng 12th National Dental Health Month na ginanap sa covered court ng University of Rizal System noong Pebrero 26, 2016.

MATAPOS ang sunud-sunod na Medical and Dental Mission sa Antipolo, muling maglulunsad ang pamahalaaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ng isang Mega Job Fair sa Ynares Center sa darating na Marso 20, 2016 mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon kung saan mahigit 100 local at overseas employers ang handang magbigay ng trabaho.

NAGTAPOS ang mga iskolar ng Domestic Refrigerator and Airconditioning Servicing (DOM-RAC) sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at AGBIAG partylist, noong Pebrero 18, 2016 sa Antipolo City Hall.

IPINAGDIWANG ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang 12th National Dental Health Month na ginanap sa Robinsons Place Antipolo noong Pebrero 18, 2016.