Taong 2016 nang maipasa ng Sangguniang Panlungsod ng Antipolo ang City Ordinance 2016-715 o Antipolo City Wheel Clamping Ordinance na naglalayong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lungsod. Nakasaad sa batas na ito ang paglalagay ng wheel clamp o tire lock sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga no parking area at tow-away zone at pag-tow sa mga sasakyan na hindi matutubos agad ng may-ari.

At simula ngayong darating na Lunes, Enero 16, 2017 ay mahigpit nang ipatutupad ang ordinansang ito sa mga pampubiko, pribado at sasakyan ng gobyerno.

WheelClamp FireStation

WheelClamp FireHydrant

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WheelClamp Hospital

 WheelClamp Bridges

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  

Kabilang rin sa mga bawal pagparadahan ay ang mga lugar na malapit sa ospital, tulay, fire hydrant, fire station, pedestrian lanes, intersection at maging sa mga private driveway at tapat ng nakaparadang sasakyan upang maiwasan ang double parking.

WheelClamp PrivateDriveway  WheelClamp NoParking

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WheelClamp PedestrianLanes

 WheelClamp Intersection

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WheelClamp OtherPlaces

 WheelClamp OtherPlaces2

 

 

 

 

 

 

 

 

 

WheelClamp OtherPlaces3

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang sinumang mahuling lumabag sa ordinansang ito ay papatawan ng multang limang libong piso (Php 5,000.00) sa unang 24 oras o bahagi nito at karagdagang isang libong piso (Php 1,000.00) sa bawat kasunod na 24 oras o bahagi.

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, tumawag lang sa telepono 7342470.