Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pakikipagtulungan ng Philippine Band of Mercy ang libreng operasyon para sa may bingot. Para po sa mga nais mag-avail ng serbisyong ito, magkakaroon ng screening sa Pebrero 8, 2017 sa Antipolo City Hospital System Annex I (dating Antipolo District Hospital) at ang operasyon ay sa Pebrero 25, 2017 sa parehong ospital. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan lang sa telepono 6970362.