Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mga bagong medical equipment mula kay District 2 Congressman Romeo M. Acop upang magamit at mapakinabangan ng Antipolo Hospital System Annex II. Isinagawa ang naturang turnover ceremony sa Flag Raising Program sa Sumulong Park noong Pebrero 27, 2017.

Masaya namang iniabot ng anak ni Congressman Acop na si Konsehal Philip “Bong” Acop (una mula kaliwa, unang hanay) ang mga gamit pang-medikal kay Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan (gitna, unang hanay) kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlungsod at City Health Officer Dr. Concepcion Garcia-Lat (una mula kanan, unang hanay). Ilan lamang ang incubator, cardiac monitor, radiant infant warmer, operating room table at blood bank refrigerator sa mga medical equipment na ipinagkaloob.