Nakatanggap ng libreng Starter Kits ang 20 benepisyaryo ng Bread, Cake and Pastry Production mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang City Cooperative and Livelihood Office, na iginawad sa Flag Raising Ceremony noong Marso 6, 2017 sa Sumulong Park. Pinangunahan ni Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan (ikawalo mula kanan, unang hanay), kasama ng bumubuo sa Sangguniang Panlungsod,  ang naturang Graduation and Awarding Ceremony. Nagkakahalaga naman ng P 2,000 pesos ang bawat starter kit na naipamigay.

Starter Kit

Isa lamang ang Tulungan sa Kabuhayan ng Calawis (TSKC) Inc. sa mga napiling benepisyaryo ng Bottom-up Budgeting (BuB) ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE). Isinagawa ang Awarding of Grants sa Monday Flag Raising Ceremony noong Marso 6, 2017 sa Sumulong Park na pinangunahan ni Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan ((ikaanim mula kanan) at mga bumubuo sa Sangguniang Panlungsod. Kasama rin sa mga napiling benepisyaryo ng BuB project ang Antipolo Multi-Sectoral Organization at PWD Antipolo Consumers Cooperative. 

BUB2

Tumanggap ng  Sewing Kits ang Antipolo-Multi-Sectoral Organization mula sa Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa ginanap na Awarding of Grants sa mga napiling benepisyaryo ng Bottom-up Budgeting (BuB) project. Ginanap ang paggawad sa Monday Flag Raising Ceremony noong Marso 6, 2017 sa Sumulong Park. Kasama rin sa mga benepisyaryo ang Tulungan sa Kabuhayan ng Calawis (TSKC) Inc. at PWD Antipolo Consumers Cooperative. 

BUB3