Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 177 na ipinalabas ng Malacanang, wala pong pasok sa buong Lungsod ng Antipolo BUKAS, ABRIL 4, 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na taong pagkakatatag ng lungsod ng Antipolo.

Bilang pagtalima sa kautusang ito, wala pong pasok bukas ang ating Pamahalaang Lungsod maliban sa mga tanggapan na naghahatid ng frontline services tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Radio Communications Office, City Health Office, City Social Welfare Development Office at Office of Public Safety and Security.

Magbabalik po ang serbisyo ng ating City Hall sa darating na Miyerkules, Abril 5, 2017.

 

19th CityHood Anniv

Makiisa sa pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Antipolo. Sama-sama nating saksihan ang makukulay at magagarbong float ng 16 na barangay ng ating lungsod sa Grand Float Parade sa Abril 8, 2017 mula Sumulong Park hanggang Ynares Center sa ganap na ika-4 ng hapon.

19th CityHood AnniversaryFloatParade