ISANG malaking selebrasyon na naman ng pag-ibig ang ginanap sa Antipolo kung saan 163 na pares ang nagpalitan ng “I Do” sa libreng Kasalang Bayan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Abril 19, 2017 na ginanap sa Multi-Purpose Covered Court ng Barangay Sta. Cruz.

Ayon kay Mayor Ynares, mahalaga ang kasal upang maging ganap ang karapatan at pribilehiyo ng magkasintahan sa isa’t isa bilang simula ng pagbuo ng matatag na pamilya. Dahil dito, ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy sa pagsasagawa ng Kasalang Bayan upang mabigyan ng malaking tulong ang mga pares na nagnanais makapagsama ng ligal na hindi na kailangan pang gumastos ng malaki.

163KasalangBayan1

Dumalo din sa seremonya sina 1st District Congressman “Chiqui” Roa-Puno, Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan, PNP-Antipolo Chief Col. Ruben Andiso, Sta. Cruz Barangay Captain Oca Tamayao at ang kanyang kabiyak na si Ludy Tamayao.

163KasalangBayan2

Nagpasalamat ang mga ikinasal kay Mayor Ynares at sa bumubuo ng Pamahalaang Lungsod sa handog sa Kasalang Bayan, sa pagkain, at sa samu’t-saring regalo.

163KasalangBayan3

Pinangasiwaan naman ng City Civil Registry ang pagpipirma at pagpaparehistro ng marriage certificate para sa mga ikinasal.

Umabot na sa mahigit 3,300 ang bilang ng mga libreng naikasal sa tulong ng pamahalaang lokal simula noong 2014.