KAGILIW-GILIW na pagsasayaw at makukulay na kasuotan ang pumarada sa mga kalye ang Antipolo sa isinasagawang Street Dance Competition ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, bilang pagsalubong sa selebrasyon ng Maytime Festival noong Mayo 1, 201. Nagtagisan ang iba’t ibang mga paaralan at kolehiyo sa lungsod upang maipakita sa lahat ang kagalingan at kasiyahan tuwing buwan ng Mayo sa lungsod. Pinangunahan ng Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office (AnCATTPO) ang pagdiriwang na may layong paunlarin ang turismo ang ipakilala ang makulay na tradisyon at kultura ng Antipolo.

 

StreetDanceMaytime2017 1

 

StreetDanceMaytime2017

Ayon kay Mayor Ynares, hindi matatawaran na ang lungsod ng Antipolo ay mas lalong umuunlad pa dahil patunay rito ang patuloy na pagdami taun-taon ng mga turista na nakikilahok at nakikiisa sa mga pagdiriwang ng Antipolo. “Nakakatuwang isipin na sa pag-unlad ng ating lungsod ay buhay na buhay pa rin sa atin ang kultura at pagpapahalaga sa tradisyon,” aniya.

StreetDanceMaytime2017 2

Nagsimula ang parada sa Sumulong Park at ginanap naman ang Final Salvo sa Ynares Center. Nagtagisan ng galing ang 19 na eskwelahan sa buong Antipolo na nagpamangha sa kanilang inihandang cultural presentation.

StreetDanceMaytime2017 4

Sa huli, itinanghal na kampeyon ang “Dancing Engineers”  ng Antipolo City Institute of Technology (AiTech) habang 1st runner up naman ang University of Rizal System Antipolo. Kinilala rin ang Gateways Institute of Science Technology, San Roque National High School at Sumulong College of Arts and Science bilang 2nd,3rd, at 4th runner up.

StreetDanceMaytime2017 3

Marami pang nakalinyang mga programa ang lungsod para sa pagdiriwang ng Maytime Festival katulad ng Antipolo Idol, Queen of  Antipolo 2017, Grand Sagala, Musiclaban at iba pa.