Mas pinasarap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Culture, Arts, Tourism and Promotions Office (AnCCATPO) ang Antipolo Maytime Festival sa pagsasagawa ng Suman Dip Competition at Biggest “Suman sa Ibos” sa  SM City Masinag noong Mayo 5, 2017. Tinatayang may habang 12 talampakan at bigat na 43 kilo ang inahaing “Suman sa Ibos” na gawa ng suman maker na si Juanita Sarte. Layunin ng naturang programa na isulong ang mga ipinagmamalaking produkto ng Antipolo gaya ng suman kung saan nakilala ang lungsod.

SumanDip1

SumanDip2

Nagtagisan ang mga culinary arts students ng World City Colleges at Professional Academy for Culinary Education gayundin ang ilang residente ng Brgy. Mambugan sa paggawa ng “Suman Dip” noong Mayo 5, 2017 sa SM City  Masinag sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Antipolo City Culture, Arts, Tourism and Promotions Office (AnCCATPO). Bahagi ang naturang programa ng mas pinasarap na pagdiriwang ng Maytime Festival na may layuning isulong ang mga ipinagmamalaking produkto ng Antipolo gaya ng suman kung saan nakilala ang lungsod. Nagsilbing hurado sa naturang kumpetisyon sina (L-R) Provincial Tourism Officer Dr. Corazon Lacerna, City Public Information Officer Enrilito Bernardo Jr. at City Tourism Officer Marino Bacani.