Idinaos ang First Elimination Round ng Antipolo Idol 2017 ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, nitong nakalipas na Mayo 7, 2017 sa SM City Masinag. Labinlimang dance group at labing walong singers ang naglaban-laban upang mapabilang sa unang batch na makakapasok sa Grand Finals.

Antipolo Idol2017

Sa huli, limang singers ang napili na binubuo nila Maja Ibay, Erika Villa, Joehann Paronda, Andre Yeouseff Tamura at Irish Joy Barrientos. Pasok na rin sa Grand Finals ang mga sumusunod na dance crew: D'Zastah Family, Idols, Senoritas Legacy, Rugged Flavors at Beat Mix Crew. Abangan ang Second Elimination Round ngayong darating na Biyernes, Mayo 12, 2017 sa Robinsons Place Antipolo sa ganap na ika-3 ng hapon. Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival 2017.