GINANAP ang opening ceremony ng Mayor Jun Ynares Softball Cup 2017, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Youth and Sports Development Office (YSDO) noong Mayo 13, 2017 sa Sumulong Field, Taktak Road, Brgy. Dela Paz. Layunin ng naturang programa na may temang “Numero Uno, Sopboleyon Antipoleño” na piliin ang mga atletang kakatawan sa lungsod ng Antipolo sa mga National Softball sports competitions.

Ayon kay Mayor Ynares, naniniwala siya sa potensyal ng mga atletang Antipolenyo sa larangan ng sports kaya naman patuloy ang pamahalaang lokal sa pagsasagawa ng mga programang huhubog sa kanilang abilidad at kakayahan. Aniya, makakabuti ang pagiging aktibo ng mga kabataan sa sports upang mailayo sila sa masasamang bisyo gaya ng droga.

Kabilang ang La-Salle alumni, Super Friends, Oro Amazing, Pantay, Pilgrims, Cousin’s, Club 365, Tanag, Mediaville at Dela Paz sa 10 koponan na kalahok sa naturang softball cup.

softball2017 1Kabilang ang La Salle alumni sa 10 koponan na kalahok sa Mayor Jun Ynares Softball Cup 2017, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Youth and Sports Development Office (YSDO) noong Mayo 13, 2017 sa Sumulong Field. Layunin ng naturang programa na may temang “Numero Uno, Sopboleyon Antipoleño” na piliin ang mga atletang kakatawan sa lungsod ng Antipolo sa mga National Softball sports competitions.

softball2017 2Pinangunahan ni Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan ang ceremonial pitch sa opening ng Mayor Jun Ynares Softball Cup 2017, sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, katuwang ang Youth and Sports Development Office (YSDO) noong Mayo 13, 2017 sa Sumulong Field. Layunin ng naturang programa na may temang “Numero Uno, Sopboleyon Antipoleño” na piliin ang mga atletang kakatawan sa lungsod ng Antipolo sa mga National Softball sports competitions.

Nakuha ni Kenneth Pabilonia ng Club 365 ang 1st Home Run kung saan nakatanggap siya ng cash prize na nagkakahalaga ng P 2,000 habang nakuha naman ni Laurence Gatchalian mula rin sa Club 365 ang 2nd Home Run kung saan ginawaran siya ng cash prize na nagkakahalaga P 1,000.

Samantala, itinanghal na Best in Uniform ang La Salle alumni habang Best Muse naman si Michole Dg. Espinueva ng Super Friends na kapwa ginawaran ng cash prizes na nagkakahalaga ng P 5,000.

Noong Marso 29, 2017, pinasinayaan ng pamahalaang lokal ang Sports Hub sa Brgy. San Isidro upang maging lugar na magagamit ng kabataan sa paglalaro ng basketball, volleyball, badminton at iba pang sports.