Sa isang magarbong seremonya na ginanap nitong Miyerkules, Mayo 17, 2017 sa Luzon-Mindanao Ballroom ng Sofitel Hotel sa Pasay City, tinanggap ni Antipolo City Tourism Officer Marino Bacani ang parangal para sa Lungsod ng Antipolo bilang isang LGU Partner mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

 

LGU NCCA Award2017

LGU NCCA Award2017 2

Ang parangal na ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng NCAA na kung saan ay ginagawaran ang mga ahensya ng pamahalaan at mga LGU sa buong bansa na may malaking kontribusyon sa paglinang ng sining, tradisyon at kulturang Pilipino.