MALAKING ginhawa ang naranasan ng 202 Jobseekers sa paghahanap ng trabaho nang magsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, katuwang ang Public Employment Service Office at Baranggay Dela Paz, ng “Job Fair Sa Barangay” noong Hunyo 20, 2017 kung saan dumalo ang 20 pribadong kumapanya sa Robinsons Place Antipolo. Ito na ang ikaapat na job fair na isinagawa sa lungsod ngayong taon. Isusulong din ang programang “Job Fair Sa Barangay” sa Calawis, Sta. Cruz, at San Juan.

“Itinuturing ng pamahalaang lokal na isang prayoridad ang matulungang makakuha ng maayos at desenteng trabaho ang mga Antipolenyo. Hindi ninyo na po kakailanganin pang magpakalayo-layo at magpakahirap sa paggalugad ng mga posibleng papasukan dahil tuloy-tuloy po ang mga programa nating nagpapabilis at nagpapadali sa paghahanap ng trabaho,“ pahayag ni Mayor Ynares.

JobFairBrgy1

Nakiisa rin si Kon. Philip Pimentel sa programa kung saan kanyang ibinahagi ang kahalagahan ng pagtatrabaho.

JobFairBrgy2

Payo naman ng pamahalaang lokal sa mga aplikante na magdala ng maraming kopya ng mga kakailanganing dokumento tulad ng resume o curriculum vitae para makapagaply sa mas maraming kumpanya upang lumaki ang pakakataong matanggap sa trabaho.