Kampanya kontra polusyon at basura ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, mas pinagtibay sa pagbubukas ng bagong Materials Recovery Facility (MRF) sa Lores Elementary School. Nadagdagan muli ang mga angkop na pasilidad laban sa maling pagtatapon ng basura noong Hunyo 29, 2017. Sa kasalukuyan umabot na sa 37 ang mga paaralan sa lungsod na nagtatayo ng MRF. Nakiisa at nagbigay ng maikling talumpati sina Kon. Nixon Aranas (dulo kaliwa), Kon. Eddie Lagasca (gitna), CEWM-Officer Daisy Lumio, PB Andeng Cabasbas, at dating Teresa Mayor Rodel Dela Cruz.


MRF UrbanGardening2

Katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), Department of Education (DepEd), at Youth for Environment in Schools – Organization (YES-O), kasabay din na inilunsad ang “Gulayan sa Paaralan Program.”