Bilang katibayan sa magandang relasyon at malakas na tiwala ng mga investors sa Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Ynares, isinagawa kamakailan ang blessing ng bagong Yakult Depot sa Evergreen Subd., Brgy. San Roque noong Hulyo 11, 2017. Nakiisa at nagbigay ng maikling talumpati si Antipolo Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan sa selebrasyon kasama ang mga konsehal ng lungsod tulad ni Kon. Susan Garcia-Say (gitna) at Kon. Ronald Barcena (pangalawa mula kanan) gayundin si City Administrator Robert Nacianceno (pangalawa mula kaliwa). Dahil sa magandang relasyon ng antipolo sa pribadong sektor at sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kawani ng pamahalaang lokal, patuloy ang pagtatayo ng mga negosyo sa siyudad na hatid ang opurtunidad sa mga mamamayan na makahanap ng trabaho.

 

YakultDepot2

YakultDepot1

Isang malaking patunay sa magandang relasyon at malakas na tiwala ng pribadong sektor sa Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang naganap kamakailan na blessing ng bagong Yakult Depot sa Evergreen Subd., Brgy San Roque noong Hulyo 11, 2017. Dumalo at nakiisa sa pagdiriwang sina Antipolo Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan (pangalawa mula kanan), kasama ang mga opisyales ng Yakult Philippines (larawan) na sina Yakult PH Executive Pres. Hiroshi Suzuki, Pres. Alberto Dy Sun, at VP for Operation Michael Ong. Nakibahagi din sa selebrasyon si City Administrator Robert Nacianceno kasama ang mga konsehal ng lungsod. Isang malaking katibayan sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kawani ng pamahalaang lokal at magandang relasyon ng antipolo sa pribadong sektor ang patuloy na pagtatayo ng investors ng mga negosyo sa siyudad kung saan hatid nito ang opurtunidad na makahanap ng trabaho ang mga residente.