Tagumpay ang naging pagpupulong sa pagitan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at ng Department of Environment and Natural Resources IV -Provincial Environment and Natural Resources Officer (DENR IV– PENRO), sa pangangasiwa ni PENR Officer Eleazar Alaira, sa isinagawang pagpupulong tungkol sa Strengthening Urban Resilience for Growth with Equity (SURGE) noong Hulyo 19, 2017 na ginanap sa Antipolo City Hall.

SURGE1

SURGE2

Katuwang ang United States Agency International Development (USAID), Land Innovations Consultants, Inc. at iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod, naging paksa sa pagtitipon ang mga bagong istretahiya at implementasyon ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng siyudad lalo na sa pagpapalawig ng urbanisasyon at paggamit ng mga makabagong paraan sa pagproseso ng mga titulo ng lupa.