Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang mga kabataang Antipolenyong nagwagi sa Mayor Jun Softball Cup 2017 sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Hulyo 31, 2017 sa Sumulong Park.

July31FlagCeremony 3

July31FlagCeremony 2

Ang grupong “Super Friends” ang tinanghal na kampeon at nagkamit ng tropeyo at cash prize na nagkakahalaga ng 30,000 pesos. Kabilang din sa binigay na parangal ang Most Valuable Player, Best Catcher at Best Pitcher.