Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, ang ilang kawani dahil sa kanilang tapat at mahabang serbisyo sa lungsod sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Hulyo 31, 2017 sa Sumulong Park.

Kasama sina Vice Mayor Pining Gatlabayan, Kon. Nixon Aranas at City Human Resources Officer Dulce Amor Barcena, pinarangalan ang 5 kawani ng lungsod ng certificate of loyalty at cash incentive dahil sa kanilang 10 taon at higit pa na serbisyo sa Antipolo.