Pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang paglulunsad ng Project Share na proyekto ng DepEd Antipolo sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony noong Hulyo 31, 2017 sa Sumulong Park. May temang “Bawat Aklat na Ibabahagi, Kaisipan ng Batang Antipolenyo ang Wagi,” layon ng naturang proyekto na makalikom ng mga lumang aklat (textbooks, storybooks, reading books, encyclopedia at dictionary) para sa itatayong mobile library para sa mga mag-aaral ng malalayong paaralan sa kabundukan ng Antipolo. Maaaring ihulog ang mga donasyon sa mga book drive box na matatagpuan sa Ground Floor ng Antipolo City Hall at sa DepEd Antipolo Division Office sa C. Lawis Extension, Brgy. San Isidro.