Naisakatuparan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang layunin nitong tulungang gawing zero-waste ang mga pampublikong paaralan sa siyudad sa pagbubukas ng ika-44 na Materials Recovery Facility (MRF) sa Upper Kilingan Elementary School noong Agosto 9, 2017.

 

MRF UpperKilingan2

Sa mas pinalakas na pagtutulungan ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), DepEd-Antipolo at Youth for Environment in Schools – Organization, mas tinutukan ng pamahalaang lokal ang paghubog sa kaisipan ng mga mag-aaral sa wastong pangangasiwa ng mga basura sa tuloy-tuloy na pagtatayo ng mga MRF sa mga pampublikong eskwelahan.