Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), napagkalooban ng 64,000 red tilapia fingerlings ang 50 mangingisda ng Sitio Boso-boso, Brgy. San Jose noong Agosto 25, 2017.

Tilapia1

Pinangunahan ng City Agriculture Office ang pagpapamahagi kung saan nabigyan ng dagdag pagkakakitaan ang mga mangingisda.

Tilapia3

Tilapia2

Tinalakay din ni BFAR Provincial Fisheries Coordinator Domingo Torres ang mga tips at iba pang impormasyon na makakatulong sa pagpapalaki ng mga ipinamahaging fingerlings.