Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang 19 na kawani para sa kanilang mahabang serbisyo sa gobyerno noong Setyembre 4, 2017 sa Sumulong Park. Pinangasiwaan nina Antipolo Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan gayundin ng mga konsehal ng lungsod, kasama si Civil Service Commission (CSC) Rizal Officer Sophie Hernandez, ang naturang pagkilala sa isinagawang Flag Raising Ceremony.