Sama-samang ipinagmalaki ng mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong Setyembre 4, 2017 sa Sumulong Park ang mga parangal na kamakailang nakamtan ng siyudad mula sa National Competitiveness Council (NCC) at United States Agency International Development. Nasungkit ng pamahalaang lokal ang Top 1 sa Infrastructure Development, Top 3 sa Government Efficiency, Top 6 sa Economic Dynamism at Top 7 sa Resiliency sa ginanap na awarding ceremony noong Agosto 16, 2017 sa Philippine International Convention Center.