BUONG pusong nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagdiriwang ng Ika-4 na Anibersaryo ng Ynares Eco-System (YES) to Green Program ng Rizal Provincial Government noong Setyembre 23, 2017. Malawakang kampanya ng Oplan BUSILAK (Buhayin Sapa, Ilog, Lawa at Karagatan), “simultaneous clean-up drive” at “tree planting activity” ang isinagawa sa buong lungsod kung saan nagtulong-tulong ang tinatayang 500 katao na may layong isulong ang makakalikasang kaisipan sa mga komunidad.

4thAnniversary YESProgram1

“Bagamat marami ang mas pipiliing talikdan ang responsibilidad sa kapaligiran, hindi po tatalikuran ng pamahalaang lokal ang hamon na ipaalala at hikayatin ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang paglilinis, pagpapayabong at pangangalaga sa kalikasan. Nawa’y aktibo po tayong makiisa sa YES Program na nagsusulong sa pagbabago ng kamalayan at pagsasabuhay ng luntiang pamayanan. Tayo pong lahat ay magkakaagapay sa pagsulong patungo sa maunlad at luntiang Antipolo,” pahayag ni Mayor Ynares.

4thAnniversary YESProgram2

Halos 700 na bamboo seedlings ang naitanim sa lungsod kung saan 230 dito ang nanggaling sa Eastern Rizal Miners Association. Kasabay ding ginanap ang Oplan BUSILAK sa Hinulugang Taktak Protected Lanscape at “synchronized clean-up drive” sa 16 na barangay.

4thAnniversary YESProgram3

Nagbigay ng maikling mensahe sa programa sina Kon. Loni Leyva, Rizal 1st District Board Member Enrico De Guzman, Rizal 2nd District Board Member Joel Huertas, RPG Tourism Officer Corazon Laserna at CEWM Officer Violeta Faiyaz.

Taunang ginaganap ang naturang proyekto alinsunod sa Executive Order no. 11 ni Governor Rebecca “Nini” Ynares na sinimulan noong 2013.