Matagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, ang mas pinaigting na Local Recruitment Activity (LRA) na ginanap sa Gender Advocacy and Development (GAD) Center noong Setyembre 14, 2017. Katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Danilo Divina Tamayo Konstract, Inc. (DDTKI), halos 30 na aplikante ang nakiisa sa ika-98 na LRA ngayon taon kung saan naging alok na benepisyo sa ginanap na DDTKI Local Job Hiring 2017 ang signing bonus, libreng NBI Certificate at Pre-Employment Medical Examination gayundin ang SSS, PhilHealth, 13th Month Pay, at PAG-IBIG.